Nagpahatid ng pagbati ang Department of Foreign Affairs sa bagong pangulo ng U.S na si Donald Trump.
Sa kanilang ipinadalang liham sa Washington, sinabi ni DFA Asec. Charles Jose na umaasa sila na mas lalo pang magiging matatag ang ugnayan ng Pilipinas at U.S sa ilalim ng Trump administration.
Bilang mag-kaalyadong bansa sinabi ng DFA sa kanilang liham na nakahanda silang mas lalo pang patatagin ang partnership ng dalawang bansa.
Dumalo sa inagurasyon ni Trump bilang ika-45 pangulo ng U.S sina Presidential Communications Office Sec. martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. bilang mga kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang naging mainit ang mga naging pahayag ni Duterte laban sa U.S sa ilalim ng pamahalaan ni dating Pangulong Barrack Obama
Pero nang siya’y magawagi sa eleksyon ay personal na tinawagan ng Malacañang si Trump kung saan ay binati siya ng pangulo sa kanyang panalo bilang bagong lider ng U.S.