SSS: Ikalawang bahagi ng dagdag umento para sa mga pensioners malabo pa

By Chona Yu January 21, 2017 - 01:04 PM

SOCIAL SECURITY / JANUARY 14, 2016 A elderly man with his companions walk pass an SSS sign in Manila on Thursday, January 14, 2016.  President Aquino vetoes on Thursday the SSS pension hike bill. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Aminado ang Social Security System (SSS) na wala pang klaro sa ngayon kung kailan ibibigay ang ikalawang bahagi ng P2,000 umento sa pensyon.

Ayon kay SSS Commissioner Jose Gabriel Lavinia, sa panukala ng Kongreso ay sa 2019 dapat ibigay ang dagdag na isang libong pisong pension.

Gayunman,  hindi aniya makapagbibigay ng pangako ang SSS na makasusunod sa panukala ng kongreso dahil depende pa ito sa magiging performance ng kanilang hanay kung magpapatupad ng increase sa kontribusyon ng mga miyembro.

Ayon kay Lavinia, sa ngayon ay wala pang tiyak na petsa kung matutuloy na ang increase sa kontribusyon.

Sa panukala ng SSS ay aabot sa 1.5 percent ang itatatas sa monthly contributions ng mga miyembro.

Halimbawa dito ay kung kung sumusweldo ang isang manggagawa ng P10,000 kada buwan ay P150 ang idagdag sa kanyang SSS contribution.

Aminado si Lavinia na sakaling ipatupad na ang increase sa kontribusyon ay hindi na kailangan na idaan pa sa Kongreso ang pag-apruba sa halip diretso na ito sa pangulo ng bansa.

Kasabay nito sinabi ni Lavinia na kasado na ang P1,000 na dagdag pension.

Sa buwan ng Pebrero ay mapapakinabangan na ng mga retirees ang nasabing benepisyon kung saan ay retroactive dito ang buwan ng Enero.

TAGS: lavinia, p2000, Pension, sss, lavinia, p2000, Pension, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.