Kontrobersiyal na Obamacare ibinasura na ni Trump
Matapos ang kanyang inagurasyon, pinirmihan ni US President Donald Trump ang isang Executive Order na layong ibasura ang kontrobersyal na Obamacare.
Nilagdaan ni Trump ang E.O. na naglilimita sa saklaw ng Obamacare health law na plano niyang ibasura gaya ng pangako noong panahon ng kampanya.
Ayon kay Trump, layon ng desisyon na mapagaan ang pasanin ng pamahalaan kaugnay ng nasabing batas partikular na sa kanilang ekonomiya.
Sa ilalim ng 2010 Affordable Care Act o kilala bilang Obamacare health law, 20 milyong katao ang idinagdag sa health insurance coverage.
Mariin ang pagtutol dito ng Republican Party na kinabibilangan ni Trump dahil sa posibleng epekto sa kanilang ekonomiya at magpapabigat sa dalahin ng pamahalaan.
Noong panahon ng kampanya, nangako si Trump na ire-repeal ang panukalang batas na tinawag niyang “inconceivable.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.