3 patay, AWOL na pulis QC arestado sa buy-bust ops sa Caloocan
Tatlo ang patay habang arestado naman ang isang AWOL (absent without leave) na pulis ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang anti-illegal drugs operation sa lungsod ng Caloocan kagabi.
Kinilala ang mga napatay na target ng buy-bust operation na sina Llloyd Nacion na isang high value target ng Caloocan Station Anti-Illegal Drugs, Reynaldo Matias na isang hinihinalang pusher at si Jay Cruz na kilalang gumagamit at runner ng bawal na gamot.
Ayon kay PSupt. Reydante Ariza, Asst. Chief of Police for Operation ng Caloocan Police, matagal na nilang isinasailalim sa surveillance si Nacion, hanggang sa makatanggap sila ng sumbong sa Infotext na may nangyayaring transakyon ng illegal na droga sa bahay ni Nacion sa Vista Verde Ave., Brgy. 167 Deparo.
Nang magsagawa ng follow-up operation ang Caloocan Police, dito nila napatunayan na ginagawang drug den ang bahay ni Nacion.
Dito na pinasok ng mga pulis ang bahay ng suspek pero sinalubong umano sila ng putok ng baril kaya’t napilitan na ang mga pulis na makipagbarilan sa mga suspek.
Matapos humupa ang putukan, tatlo ang agad na namatay habang nakatakas naman ang iba matapos na dumaan sa likod ng bahay, pero naaresto si SPO1 erwin vasquez na AWOL na miyemro ng SWAT ng QCPD.
Narecover ang limang sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, isang cal. 38, dalawang converted cal. .22 at isang granada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.