US President Trump, binati ng mga kapwa niya pangulo ng bansa

By Kabie Aenlle January 21, 2017 - 05:20 AM

donald-trumpSa Twitter idinaan ni Taiwanese President Tsai Ing-wen ang kaniyang pagbati kay US President Donald Trump ilang minuto matapos siyang opisyal na manumpa.

Sa nasabing tweet ni Tsai, binati niya si Trump kasunod ng pag-banggit na demokrasya ang nag-uugnay sa kanilang mga bansa, at na umaasa siyang lalong tumibay ang kanilang pagkakaibigan at ugnayan.

“Congratulations @realDonaldTrump. Democracy is what ties Taiwan and the US together. Look forward to advancing our friendship & partnership,” ani Tsai sa kaniyang tweet.

Nangako rin si Tsai na mas palalalimin pa nila ang magandang ugnayan sa Amerika na itinuturing nilang pinakamahalagang ka-alyado ng Taiwan.

Inaasahan namang ikapipikon lalo ng China ang pahayag na ito ng pamahalaan ng Taiwan lalo’t mainit na rin ang dugo nito sa Amerika.

Ito’y dahil pa rin sa patuloy na pag-giit ng Taiwan ng kalayaan mula sa China.

Samantala, binati rin ni Mexican President Enrique Peña Nieto si Trump sa kaniyang inagurasyon.

nieto1

Sa pagbati sa kaniya ni Nieto, sinabi rin niyang titiyakin niya ang pagpapatibay sa ugnayan ng kanilang mga bansa, ngunit ang kapakanan ng mga Mexicano ang pangunahin niyang prayoridad.

Ani pa Nieto, hihiling siya ng isang “respectful” na dayalogo sa administrasyong Trump.

 

 

nieto2nieto1

Sa simula pa lang ng kampanya ni Trump ay marami nang mga Mexicano ang nagalit sa kaniya dahil sa kaniyang mga derogatory at discriminatory remarks sa mga ito tulad ng umano’y pagiging mga rapists at murderer ng mga ito.

Nagbitiw rin noon si Trump ng pangako na magtatayo siya ng malaking pader sa southern border ng Amerika upang hindi makapasok ang mga Mexicano.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.