Pope Francis, hinimok si Trump na alalahanin ang mahihirap

popeHinimok ni Pope Francis si US President Donald Trump na gawing gabay ang “ethical values” sa kaniyang pagsisimula bilang pinuno ng kaniyang bansa.

Bukod dito, ipinaalala ni Pope Francis sa bagong upong pangulo na pangalagaan ang mga mahihirap at ang mga outcast sa kasagsagan ng kaniyang administrasyon.

Ayon sa Santo papa, ipagdarasal niya na magabayan ang mga desisyon ni Trump ng “rich spiritual and ethical values” na humubog sa kasayasayan ng mga mamamayan ng Amerika, gayundin sa pag-unlad ng human dignity at kalayaan sa buong mundo.

Hiniling rin ni Pope Francis na mabigyang importansya ang kalagayan ng mahihirap at outcast sa pamumuno ni Trump sa Amerika.

Read more...