Isa pa sa mga suspek sa pag-dukot kay Jee Ick Joo, sumuko sa Camp Crame

By Jong Manlapaz January 21, 2017 - 05:03 AM

camp-crameKusang nagpunta sa tanggapan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Camp Crame ang isa sa mga akusado sa pagdukot sa negosyateng Koreano na si Jee Ick Joo.

Ayon kay PNP AKG Director S/Supt. Glen Dumalo, magha-hatinggabi nang sumuko sa kanila si Ramon Yalung, na isa sa pinakakasuhan ng kidnapping for ransom with homicide kasama ng mga pulis na sina SP03 Ricky Sta. Isabel at SP04 Roy Villegas.

Si Yalung ay isasailalim sa mug shot, finger printing at iba pang proseso bago dinala sa PNP Custodial Center sa Camp Crame pagkatapos na isalang sa medical examination.

Una nang sumuko si SP03 Sta. Isabel matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Angeles City Regional Trial Court.

Kagabi lang nailipat sa PNP Custodial Center si Sta, Isabel matapos na isailalim sa mug shot, finger printing at iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.