Mga VIP aalisan ng mga police escorts dahil sa APEC

August 12, 2015 - 07:38 PM

Mula sa twitter.com

Pansamantalang mawawalan ng police security ang mga Very Important Persons o VIP na binabantayan ng mga tauhan ng Police Security Protection Group o PSPG.

Ito ay bilang paghahanda sa APEC o Economic Leaders Meeting sa darating na Nobyembre 18 at 19, sa PICC na dadaluhan ng 21 lider ng iba’t ibang mga bansa.

Ayon kay Supt. Rogelio Simon, ang Spokesman ng PSPG, aabot sa walondaan sa kanilang mga tauhan ang idedeploy pagdating ng APEC Summit.

Aniya, sa naturang bilang nasa animnaraan ang nakadeploy sa mga VIP sa ngayon.

Ikinatuwiran nito na kailangang sumailalim sa masusing pagsasanay ang mga ito para sa kanilang trabaho na pagbabantay ng mga foreign delegates kaya kailangan silang i-pull out.

At dahil kulang ang kanilang bilang upang bantayan ang inaasahang pitong libo at dalawandaan mga dayuhang delegado , kukuha sila ng karagdagan pulis mula sa ibang police units gaya ng Highway Patrol Group at Nnational Capital Region Police Office./ Jan Escosio

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub