Libu-libong residente sa Mindanao, inilikas dahil sa pagbabaha

By Kabie Aenlle January 21, 2017 - 04:54 AM

CDO flood1Hindi bababa sa apat na lugar sa Mindanao, kabilang na ang mga lungsod ng Valencia at Cagayan de Oro, ang isinailalim na sa state of calamity dahil sa malawakang pagbabahang nararanasan ngayon bunsod ng malakas na pag-ulan nitong nagdaang linggo.

Bukod sa dalawang nasabing lungsod, nag-deklara na rin ng state of calamity ang bayan ng Roxas sa Zamboanga del Norte, pati na ang Misamis Oriental.

Hindi naman bababa sa 12 ang naitala nang nasawi, habang libu-libong residente ang kinailangang ilikas dahil sa matinding pagbabaha sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Aabot sa 12,000 residente sa 11 bayan at dalawang lungsod sa Misamis Oriental ang naapektuhan ng pagbabaha, habang umabot naman sa P13.84 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot nito sa mga pananim, at P103.6 milyon naman sa imprastraktura.

Ayon naman kay Mayor Ma. Theresa Timbol, 13,700 katao ang kinailangang ilikas mula sa bayan ng Kapalong sa Davao del Norte.

Nakapagtala rin ng mga pagbabaha sa mag bayan ng Asuncion at Dujali sa Tagum City, habang sa apketado naman ang mga lugar ng Monkayo, Compostela, New Bataan, Nabunturan at Marasugan sa Compostela Valley.

Tinatayang nasa 22,000 na pamilya naman ang apektado ng pagbabaha sa Maguindanao at Lanao del Sur, habang 5,220 na pamilya naman ang kabuuang bilang ng inilikas sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte at Butuan City.

Isinailalim naman sa red alert status ang Caraga region simula pa noong Huwebes dahil umabot na sa critival level ang tubig sa Agusan River na 3.10 meters.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.