Donald Trump, nanumpa na bilang ika-45 na US president

tump inaugurationPormal nang nanumpa si Donald J. Trump bilang ika-45 presidente ng United States of America, pasado tanghali ng Biyernes sa harap ni Supreme Court Chief Justice John Roberts Jr. sa Captiol Hill.

Gayunman, ayon kay Sen. Roy Blunt na chairman ng Joint Congressional Committee on Inauguration Ceremonies, ito na ang ika-58 na inagurasyon ng US president.

Dakong limang minuto bago nito, nanumpa naman ang kaniyang bise presidente na si Mike Pence sa harap ni Supreme Court Associate Justice Clarence Thomas, na sinundan naman ng isang rendition ng “America is Beautiful.”

Itinuturing rin na makasaysayan ang inagurasyon ni Trump dahil siya ang kauna-unahang pangulo na hindi nanilbihan sa pamahalaan bilang civilian official man o military official.

Ang naturang inagurasyon rin ang dinaluhan ng pinakamaraming dating pangulo.

Sa lahat kasi ng mga nabubuhay pang dating US presidents, si George W. Bush lang ang hindi nakadalo dahil naroon si Barack Obama, Jimmy Carter at Bill Clinton, pati na ang kanilang mga misis.

Tulad rin ng mga nagdaang inagurasyon, magkasamang dumating sina Donald Trump at Barack Obama sa US Capitol.

Tinapos naman ni Trump ang kaniyang talumpati sa kaniyang pangako na: “Together we will make America stronger again, we will make America wealthy again, we will make America proud again, we will make America safe again, and yes, we will make America great again. God bless, America.”

Read more...