WATCH: Pulis na pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Korean, dinala na sa Camp Crame
Isinilbi na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group ang warrant of arrest laban sa pulis na pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Ito ay matapos na ilabas ng Angeles City Regional Trial Court ang arrest warrant laban sa mga suspek sa kasong kidnapping for ransom with homicide.
Alas 3:00 pa lamang ng hapon dumating na sa NBI ang mga tauhan ng PNP-AKG, pero pasado alas 6:00 na ng gabi nang mailabas ng NBI si Sta. Isabel at maisakay sa convoy patungong Camp Crame.
WATCH: Mga opisyal ng PNP-AKG nasa loob na ng NBI, para sa pagsisilbi ng arrest warrant vs SPO3 Ricky Sta. Isabel (VIDEO by JOMAR PIQUERO pic.twitter.com/N6LzjS65hD
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 20, 2017
WATCH: PNP-AKG legal officer Supt. Dennis Wagas now at NBI-Anti Illegal Drugs Task Force office | @JEPOI04 (VIDEO by JOMAR PIQUERO-DZIQ) pic.twitter.com/1Iyxfvjmzz
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 20, 2017
Pansamantala, sasailalim muna sa kustodiya ng AKG si Sta. Isabel.
Ang grupo ni Sta. Isabel ang itinuturong nasa likod ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-Joo noong October 18, 2016.
EARLIER: SPO3 Sta. Isabel naisakay na sa convoy patungong Camp Crame (VIDEO by JOEMAR PIQUERO-DZIQ) pic.twitter.com/qNAXLudl1b
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 20, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.