Magkasunod na sunog naganap sa Makati at Valenzuela, 2 ang patay
Dalawa ang patay sa sunog sa isang residential area sa kanto ng M.H. del Pilar at Malvar St. sa Barangay Rizal, Makati City.
Ayon kay Makati Fire Chief Supt. Roy Aguto, dalawang hindi pa nakikilalang batang lalake ang natagpuan sa isa sa nasunog na bahay.
Habang isa pang pang bata ang itinakbo sa ospital ng mga Makati Rescue matapos na masugatan sa sunog.
Inaalam pa ng Makati BFP kung ano ang sanhi at magkano ang halaga ng pinsala dulot ng sunog.
Ang nasabing sunog ay itinawag sa Makati Fire 4:18 ng hapon at umabot sa ikalawang alarma bago idineklarang fire out 5:08 ng hapon kanina.
Samantala, idineklara bandang 5:53 ng hapon ni Valenzuela Fire Chief Sr. Supt. Jonas Silvano na under control na ang sunog na umabot sa Task Force Alpha sa pabrika ng Wesmar na gumagawa ng metro ng tubig sa itc compound, bagbaguin, valenzuela city.
May mga narinig na pagputok sa loob ng pabrika na hinihinalang sanhi ng mga kemikal sa loob.
Ayon sa Valenzuela Fire, ligtas naman na nakalabas ang lahat ng mga empleyado ng naturang pabrika.
Ang nasabing sunog ay nagsimula pasado alas dos ng hapon at mabilis na umakyat sa task force alpha ang alarma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.