P5M na halaga ng smuggled na patatas, nakumpiska ng BOC
Kinumpiska ng Intelligence and Investigation Service ng Bureau of Customs (BOC) ang mga patatas na umano’y ilegal na ipinasok sa bansa mula sa China.
Ayon kay Neil Anthony Estrella, director ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang warrant and seizure order ay isinilbi sa bodega sa Valenzuela City kung saan itinago ang mga smuggled na patatas.
Sinabi ni Estrella na walang nagpakilalang may-ari ng mga smuggled na patatas at walang import permit para sa pag-angkat ng mga ito.
Misdeclared din umano ang mga patatas bilang mga peras at luya na nasa mga kahon pero nang buksa ay natuklasang patatas nga ang laman.
Dinala na sa bodega ng BOC ang mga patatas na nagkakahalaga ng P5M.
Pinag-aaralan ng BOC na idonate na lamang ang mga nasabat na sa Duterte’s Kitchen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.