Mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean na si Jee Ick Joo, ipinaaaresto na ng korte
Ipinaaaresto na ng korte ang mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Korean sa Angeles City Pampanga.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, nagpalabas na in ng warrant of arrest ang Angeles City Regional Trial Court Branch 58 laban sa mga respondent sa kasong kidnapping for ransom with homicide na isinampa ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group (AKG) kaugnay sa pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo.
Kabilang sa mga ipinaaresto ang pangunahing suspek sa krimen na si SPO3 Ricky Sta. Isabel na ngayon ay nasa ilalim ng kostodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ipinaaaresto din sina SPO4 Roy Villegas, Ramon Yalung at apat na iba pang hindi nakikilalang mga suspek.
Ang reklamo laban sa mga suspek ay sinampa sa korte sa Angeles City kaninang umaga.
Ang grupo ni Sta. Isabel ang itinuturong nasa likod ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-Joo noong October 18, 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.