‘Gang war’, motibo sa pagpaslang sa apat na katao sa Biñan, Laguna
Gang war ang tinitignang anggulo ng mga otoridad sa pagpatay sa apat na katao sa Biñan, Laguna, Biyernes ng umaga.
Apat ang nasawi sa pamamaril na sina Rico Laserna, 32-anyos; Darwin Villareal, 18-anyos; at ang magkabatid na sina Ranel Barce, 18-anyos, at Arnel Barce, 17-anyos.
Habang ang isa pang biktima na si Mark Robin Ignacio, 27-anyos ay nagpapagaling sa ospital.
Ayon kay Supt. Serafin Petalio, hepe ng Biñan police, sakay ng motorsiklo ang mga suspek nang pagbabarilin nila ang mga biktima habang nakatambay ang mga ito sa labas ng Canlalay Elementary School sa Barangay Canlalay.
Ani Petalio, kilala ang mga biktima bilang notoryus sa lugar, at palaging nakatambay sa dis oras ng gabi at nag-aabang nang mapagti-tripan.
Gumagamit din umano ng marijuana ang mga biktima na ang iba ay pawang estudyante pa.
Posible ayon kay Petalio na ang kalabang gang ng grupo ang nasa likod ng pamamaril.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.