Ilang oras bago ang pormal na inagurasyon kay US President Donald Trump nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng kababaihan sa Maynila.
Nagtipon-tipon muna sa Kalaw Avenue sa Maynila ang mga miyembro ng Gabriela at saka sama-samang nagmartsa patungong Roxas Boulevard.
Kinondena ng grupo ang anila ay pagiging “sexist at racist” niTrump.
May bitbit pa silang mga larawan ni Trump at ipinakitang itinapon ito sa basurahan.
Nais sana ng mga raliyista na makalapit sa Embahada ng Amerika sa Roxas Boulevard para doon magsagawa ng programa.
Gayunman, hindi sila pinayagan ng mga pulis na nakabarikada sa kanto ng Roxas Boulevard at Kalaw.
Sa halip ay nagsagawa na lamang ng programa ang mga anti-Trump raliyist sa Roxas Boulevard dahilan para maabala naman ang daloy ng traffic sa lugar.
WATCH: US flag, sinunog sa isinasagawang anti-Trump rally sa Maynila | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/7OKHumZUWj
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 20, 2017