Ilang domestic flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

Nagkansela na ng biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa nararanasang sama ng panahon sa ilang lalawigan dulot ng tail-end ng cold front.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang biyahe ng Philippine Airlines na PR 2079 Manila to Catarman at PR 2080 Catarman to Manila.

Ito ay dahil sa sama ng panahon na nararanasan ngayon sa Visayas.

Ayon sa PAGASA, apektado ng tail-end ng cold front ang eastern section ng Visayas.

Ang mga apektadong pasahero ay maaring magpa-rebook ng biyahe o ‘di kaya ay humiling ng refund.

 

 

 

Read more...