Dry-run ng zipper lane sa EDSA southbound, nagdulot naman ng traffic sa EDSA northbound
Sinubukan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang zipper lane sa southbound lane ng EDSA.
Ito ay bilang bahagi ng dry run ngayong araw, para sa pormal na pagpapatupad ng zipper lane mula sa Lunes, January 23 sa EDSA soutbound lane sa kasagsagan ng rush hour.
Ang 2.5 kilometers na zipper lane ay sinimulan sa EDSA-Main AVenue hanggang sa EDSA-Ortigas flyover sa bahagi ng Guadix Drive.
Gamit ang zipper lane, tumagal lamang ng anim na munito ang biyahe mula EDSA-Main Avenue hanggang Guadix.
Gayunman, dahil ginamit ang innermost lane ng EDSA northbound para sa nasabing sistema, ang daloy ng traffic naman sa northbound ang nagsikip.
Marami ring motorista ang nagreklamo gamit ang kanilang twitter account.
Ang dati-rati umanong mabilis na biyahe naman sa northbound lane kapag rush hour sa umaga, ay naperwisyo dahil sa zipper lane.
Zipper lane for southbound motorists from Edsa-Main Avenue now open pic.twitter.com/eN2LuYbaMs
— jovic yee (@jovicyeeINQ) January 20, 2017
Traffic situation at Edsa (northbound) after zipper lane was opened pic.twitter.com/yltRjRgLm4
— jovic yee (@jovicyeeINQ) January 20, 2017
Travel time from Edsa-Main Ave. to Edsa-Guadix via zipper lane: 6 minutes pic.twitter.com/qXAo7uLmT3
— jovic yee (@jovicyeeINQ) January 20, 2017
Sa halip na dalawang oras na dry run kung ang pagbabasehan ay ang naunang mga abiso ng MMDA, halos isang oras lamang tumagal ang pagbubukas ng zipper lane ngayong umaga.
Bago kasi mag alas 10:30 ng umaga ay isinara na ang zipper lane.
Target ng MMDA na ipatupad ang zipper lane sa southbound araw-araw mula sa Lunes, alas 9:30 hanggang alas 11:30 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.