Isabelle Daza, nag-Miss Universe costume sa dinaluhang party; gayang-gaya ang kaniyang ina na si Gloria Diaz

By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2017 - 09:21 AM

Isabelle Daza | IG PhotoSi Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang kinopya ni Isabelle Daza sa kaniyang costume nang siya ay dumalo sa birthday party ng TV at radio host na si Tim Yap.

Ang tema ng party ay “Miss Universe” kaya dumating si Daza sa event na naka-costume na parang ang kaniyang ina na si Gloria Diaz nang manalo ito noong 1969.

Maraming netizens ang humanga at nagulat dahil gayang-gaya at kamukhang-kamukha ni Daza ang kaniyang ina.

Inakala pa ng iba na throwback photo ni Diaz ang pinost ni Daza dahil ginawa niyang black and white ang larawan.

Umabot na sa mahigit 44,000 likes ang nasabing post ni Daza sa Instagram.

 

 

TAGS: Gloria Diaz, Isabelle Daza, miss universe, Gloria Diaz, Isabelle Daza, miss universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.