Solomon Islands niyanig ng magniude 6.7 na lindol

Solomon IslandsNiyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang bahagi ng Solomon Islands, ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10.7 kilometers South ng Solomon Islands alas 7:04 ng umaga oras sa Pilipinas.

Dahil malayo naman sa bansa ang lugar na pinangyarihan ng malakas na lindol, pinawi ng Phivolcs ang pangamba na maari itong magdulot ng Pacific-wide tsunami.

“No destructive Pacific-wide threat exists based on historical and tsunami data,” ayon sa abiso ng Phivolcs.

Ayon naman sa US Geological Survey sa karagatan naitala ang pagyanig sa Kirakira City na matatagpuan sa isla ng Makira.

Wala namang napaulat na pinsala dahil sa nasabing lindol.

 

 

Read more...