Magnitude 4.4 na lindol tumama sa Calayan, Cagayan
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan kaninang alas 3:59 ng umaga.
Naitala ang pagyanig sa 58 kilometers North ng Calayan.
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 21 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang inaasahang pinsala sa nasabing pagyanig pero nasundan na ito ng aftershocks.
Alas 4:41 ng umaga nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 3.3 na tumama sa 55 kilometers North ng Calayan.
Nasundan pa ito ng isa pang magnitude 3.3 na lindol alas 5:53 ng umaga sa 39 kilometers North ng nasabi ring bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.