Duterte: “Hindi ko uutusan ang mga pulis na gumawa ng krimen”

By Kabie Aenlle January 20, 2017 - 04:33 AM

duterte21Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis kaugnay ng mga extrajudicial killings, at iginiit na hindi ang mga ito ang may pakana nito.

Sa kaniyang talumpati sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na sa simula pa lang ay sinanay na ang mga pulis na sumunod sa mga legal orders.

Dahil aniya sa pagsasanay na ito sa Philippine National Police Academy at Philippine Military Academy, alam ni Duterte na hindi siya susundin ng mga pulis kung uutusan niya ang mga ito na gumawa ng krimen.

Hindi aniya niya basta-basta maaring sabihan ang mga pulis na gumawa ng iligal tulad ng magnakaw o pumatay.

Ani pa Duterte, kung gagawin niya ito, baka mag-coup d’etat ang mga pulis o baka siya pa ang unang ma-salvage ng mga ito.

Nilinaw rin ng pangulo na sa tuwing sinasabi niya na papatay siya, hindi niya ibig sabihin na uutusan niya si PNP chief Director Gen. Bato dela Rosa o kung sinong regional commander.

Ang ibig sabihin niya aniya sa mga ganoong pahayag, ay siya mismo ang papatay, dahil ginagawa na niya ito noong hindi pa siya alkalde sa Davao City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.