Dalawang Pinoy na bihag ng Abu Sayyaf Group, pinalaya sa Sulu
Pinalaya nang bandidong Abu Sayyaf Group ang kanilang dalawang bihag na Pinoy kaninang madaling araw sa Sulu.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Franco Alano ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command.
Ayon kay Alano, alas tres ng madaling araw kanina nangg palayain ang dalawang hindi Pinoy sa Barangay Tagbak sa Indanan, Sulu.
Nakilala ang dalawang pinalayang bihag na sina Dolcesimo Almires at Esteban Janamjam.
Dinukot ang dalawang Pinoy sa Pangutaran sa Sulu noong nakaraang Oktubre.
Matapos palayain, isinailalim sa medical check-up at debriefing ang kidnap victims.
Nasa kustodiya ngayon ng Joint Task Force Sulu ang pinalayang mga bihag na nakatakda naman dalhin sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.