Mga pulis na dumukot kay Jee Ick Joo, papatayin ni Bato

By Chona Yu January 19, 2017 - 06:35 PM

Bato Malakanyang
INQUIRER FILE PHOTO

Papatayin ni Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa kidnap for ransom group.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos masangkot ang tatlong pulis sa pag-kidnap at pagpatay sa South Korean businessman.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Dela Rosa na kung mayroon siyang sariling paraan, hindi siya mag-aatubili na patayin ang mga bugok na pulis.

Gayunman, agad na nilinaw ni Dela Rosa na hindi niya maaaring gawin ito dahil sa ilegal na proseso.

Kung maaari lang ayon kay Dela Rosa, matutunaw na siya ngayon sa kahihiyan dahil sa loob pa mismo ng Camp Crame sa Quezon City naganap ang pagpatay sa South Korean.

Humingi rin ng paumanhin si Dela Rosa sa South Korean government dahil sa nangyari sa isa nilang kababayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.