Mga pulis na suspek sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo, pinakakasuhan ng DOJ

By Alvin Barcelona January 19, 2017 - 03:51 PM

Jee Ick-joo was allegedly abducted in October by a group that includes a policeman
Jee Ick-joo was allegedly abducted in October by a group that includes a policeman

Nakakita ang Department of Justice ng probable cause para kasuhan sa korte ang mga pulis na suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.

Sa resoluyon na may petsang January 17, 2017 at pinirmaham ni Senior State Prosecutor Oliver Torevillas, sinabi nito na may sapat na basehan para sampahan sina SPO3 Ricky Sta Isabel, SPO4 Roy Villegas at isang Ramon Yalung ng kasong kidnapp for ransom w/ homicide.

Apat pang suspek na may alyas na ‘Pulis’, ‘Sir Dumlao’, ‘Jerry’ at ‘Ding’ ay inirekomenda rin na kasuhan.

Malakas aniyang basehan ang testimonya ng kasambahay ng biktima at detalyadong testimonya ni SPO4 Villegas na si Sta Isabel mismo ang pumatay kay Joo sa pamamagitan ng pagsakal.

Inirekomenda rin sa resolusyon ang pagsasailalim sa preliminary investigation sa illegal detention ng kasambahay nito nang tangayin ito ng mga suspek kasabay sa pagdukot sa kanyang amo noong October 18, 2016 sa bahay nito sa Angeles City, Pampanga.

TAGS: Jee Ick Joo, Jee Ick Joo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.