10 barangay sa Valencia City, Bukidnon, binaha; mga residente inilikas

By Dona Dominguez-Cargullo January 19, 2017 - 10:26 AM

Bukidnon mapInilikas na ang mga residente sa sampung barangay sa Valencia City sa Bukidnon dahil sa pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan.

Kabilang sa mga pinalikas ang mga residente sa mga barangay Catumbalon, Maapag, Pinatilan, Batangan, Lumbayao, Sinabuagan, San Isidro, Kahaponan, Lumbo at Poblacion.

Sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa private at public sa nasabing mga lugar.

Kabilang ang Bukidnon sa mga lalawigan sa Mindanao sa nakararanas ng malakas na pag-ulan at sakop ng orange rainfall warning ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA ang tail end ng cold front ang nagpapaulan sa eastern section ng Visayas at Mindanao.

Samantala, dahil din sa malakas na pag-ulan sinuspinde na rin ang klase sa pre-school hanggang high school sa Surigao del Norte.

 

TAGS: bukidnon, Evacuation, flood, Pagasa, rainfall warning, bukidnon, Evacuation, flood, Pagasa, rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.