Reporter at staff ni Sec. Jesus Dureza, nanakawan ng bag sa Rome

By Dona Dominguez-Cargullo January 19, 2017 - 10:16 AM

Photo from Sec. Jesus Dureza's FB Page
Nasa Roma ngayon ang mga opisyal at staff ng OPPAP | Photo from Sec. Jesus Dureza’s FB Page

Nanakawan ng bag ang isang Filipino reporter at ang staff ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa tinutuluyan nilang hotel sa Rome, Italy.

Ang bag nina Danny Buenafe ng ABS-CBN at ni Edwin Espejo ng OPAPP ay kinuha ng grupo ng mga lalaki sa lobby ng Holiday Inn sa Rome.

Iniwang nakapatong ang bag ng dalawa sa couch sa lobby ng hotel nang dumating ang mga suspek.

Laman ng nasabing mga bag ang credit cards, camera, laptop at pasaporte.

Nasa Roma sina Buenafe at Espejo para sa ikatlong round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front na magsisimula ngayong araw, Huwebes hanggang sa January 25.

Kahapon, nagpost pa si Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza ng mga larawan nang magkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Pope Francis.

Sa mga larawan na nasa Facebook ni Dureza, ikinuwento niyang hiniling niya sa Santo Papa na gabayan ang Pilipinas.

Tumugon umano ang Santo Papa at sinabing “I will also bless your President”.

 

TAGS: OPPAP, peace talks, Rome, OPPAP, peace talks, Rome

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.