Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, red rainfall warning, itinaas na ng PAGASA sa 3 lalawigan sa Visayas

Red Rainfall Warning(3rd UPDATE) Itinaas na ng PAGASA sa red warning level ang umiiral na heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas.

Ito ay dahil sa malakas na buhos ng ulan na ilang oras nang nararanasan sa ilang lalawigan bunsod ng umiiral na tail-end ng cold front.

Sa inilabas na abiso, alas onse ng umaga, nakataas ang red rainfall warning sa mga lalawigan ng Bohol, Siquijor at Southern Leyte.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa lalawigan na nasailalim ng red rainfall warning na maari silang makaranas ng pagbaha at landslides dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Pinayuhan din ang mga residente na mag-antabay sa susunod nilang abiso na ilalabas mamayang alas 2:00 ng hapon.

 

Read more...