2 truck tumagilid sa magkahiwalay na aksidente sa Commonwealth at C5
Nagdulot ng maagang pagsisikip sa daloy ng traffic ang dalawang magkahiwalay na aksidente sangkot ang dalawang truck na parehong tumagilid sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City at sa C5 sa Taguig City.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bago mag alas 4:00 ng madaling araw, tumagilid ang isang trailer truck na loaded ng pintura sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa bahagi ng Philcoa.
Pa-U turn sa lugar ang truck na may plate number na PPX 732 pero tumagilid ito at bumangga pa sa lamp post na nasa kanto ng U-turn slot.
Dahil sa nasabing aksidente, ang bungad na bahagi ng truck ay humambalang sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue at ang likuran nito ay sa westbound lane naman humarang.
Labis na naapektuhan ang mga patungong Elliptical Road at umabot sa Tandang Sora sa Quezon City ang tail-end ng traffic.
UPDATE: Nasa Commonwealth Ave-Philcoa pa rin ang container na nahulog mula sa tumagilid na trailer truck | @RickyBrozas pic.twitter.com/olvHFs4gYp
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 19, 2017
WATCH: Masikip ang daloy ng traffic sa WB lane ng Commonwealth Ave | @RickyBrozas pic.twitter.com/1tGvUNDVeO
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 19, 2017
WATCH: Tinamaan ng truck ang poste ng ilaw, kaya hindi rin muna pinadadaanan sa mga motorista ang 1 linya sa EB lane | via JOMAR PIQUERO pic.twitter.com/XSsEzEySeG
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 19, 2017
Samantala, maaga ring naabala ang daloy ng traffic sa southbound lane ng C5 matapos na tumagilid ang isang ring truck sa bahagi ng Barangay Pinagsama sa Taguig City.
Ayon kay JC Sto. Domingong MMDA metrobase, isang batang hamog ang bumato sa windshield ng truck kaya nawalan ng kontrol ang driver nito hanggang sa tuluyang tumagilid ang truck.
Alas 4:00 pa ng madaling araw naganap ang aksidente kaya umabot sa Libis flyover sa Quezon City ang tail-end ng traffic sa southbound ng C5.
Naokupahan ng truck ang tatlong linya ng C5 sa bahagi ng McKinley kaya halos wala nang nadaanan ang ibang motorista.
Alas 8:41 na ng umaga nang maialis sa lugar ang naaksidenteng truck at nabuksan sa mga motorista ang lahat ng linya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.