South Korea, humihiling na agad na malutas ang pagpatay sa kanilang citizen

korean kidnapHumihingi ng kaukulang paliwanag ang South Korea sa gobyerno ng Pilipinas sasinapit ng kanilang citizen na pinaslang matapos kidnapin ng mga umano’y police scalawags noong nakaraang taon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, nakatanggap siya ng tawag mula kay South Korean foreign ministry Yun Byung-Se, na nagpahatid ng labis na pagkagulat sa pagkakasangkot umano ng mga alagad ng batas sa kaso.

Humiling rin aniya ito na agad na malutas ang karumal-dumal na krimen na sinapit ng biktimang si Jee Ick-Joo, na isang executive ng kumpanyang Hanjin at mapanagot ang mga may sala.

Sa kasalukuyan, nakumpirma nang patay ang biktima at na-cremate na rin ang labi nito sa isang punerarya sa Caloocan City matapos itong mapatay ng mga suspek.

Sangkot umano sa krimen ang walong alagad ng batas na miyembro ng inati-illegal drugs group.

Isa umanong pulis rin ang may-ari ng crematorium kung saan na-cremate ang labi ng biktima.

Read more...