Pilipinas at Indonesia, naghain ng joint hosting para sa 2023 Fiba World Cup

 

Matapos mabigo sa bid ng pagho-host sa nalalapit na FIBA World Cup, nais naman ngayon ng Pilipinas na i-host ang magiging 2023 edition nito, ngunit kasama na ang Indonesia.

Sa isang text message sa Inquirer, kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na naghain na ang Pilipinas at Indonesia ng joint hosting ng Fiba World Cup sa 2023.

Naniniwala si Panlilio na sa pagkakataong ito, mas may pag-asa na silang makuha ang bid sa Fiba hosting.

Ayon pa kay Panlilio, maituturing ito na isang significant development sa ASEAN basketball, pati na rin sa isinusulong ng FIBA na mas makilala ang sport na ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Natalo ang Pilipinas sa bidding ng hosting ng 2019 edition na ginanap dalawang taon na ang nakalilipas, dahil ang China ang napiling pag-dausan nito.

Read more...