Prime Minister ng Libya, nagbitiw sa puwesto

Inquirer file photo

Nagbitiw sa kanyang pwesto ang Prime Minister ng Libya sa gitna mismo ng isang live TV appearance nito.

Inanunsyo ni Abdullah al-Thani, ang kanyang resignation sa isang TV talk show kung saan siya ang bisita.

Nagresign si Al-Thani sa gitna ng muling pagsisimula ng peace talks sa bansa.

Giit ni Al-Thani, kanyang ginawa ang pagbibitiw sa puwesto dahil ito ang tingin ng taumbayan na magiging solusyon sa mga problema ng kanilang bansa.

Si Al –Thani ang kinikilalang pinuno ngayon ng Libya matapos gumuho ang gobyerno nito sa pagbagsak sa puwesto ni Moamer Khadafi noong 2011.

Matapos ito, nagkaroon ng dalawang magkaribal na parliament sa naturang bansa bukod pa sa mga armadong grupo na patuloy na nagtatangkang agawin ang kapangyarihan at kontrolin ang gobyerno.

Nitong nakaraang Martes, dalawang makaribal na faction ang nasimulang mag-usap sa pangunguna ng United Nations sa Geneva, Switzerland sa pag-asang makabuo ng isang unity government, kasama ang makapangyarihang Tripoli parliament./ Jay Dones

 

 

Read more...