Duterte sa mga pari: ‘Dapat subukan ninyong mag-drugs’

By Chona Yu January 19, 2017 - 03:32 AM

 

Inquirer file photo

Binweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kagawad ng Simbahang Katolika na patuloy na pumupuna sa kanyang marahas na kampanya kontra sa illegal na droga.

Sa talumpati ng pangulo sa 20th anniversary ng Premier Medical Center sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija kahapon, sinabihan nito ang mga pari na subukang mag-shabu para maintindihan nila paano ang maging adik.

Bukod sa mga pari sinabi ng pangulo na dapat ring subukan ng isa o ng dalawang obispo ang mag-shabu.

Tinawag pa ng pangulo na hipokrito ang mga kagawad ng Simbahang Katolika.

Ayon sa pangulo, gaya ng mga pari sa Davao pareho lamang sila na mayroong dalawa o di kaya ay tatlong asawa.

Matatandaan na una ng sinabi ni Cotabato Archbishop Orlando Quevedo na paano nagiging katoliko ang isang Pilipino ngayong tinatanggap naman ang nagaganap na extrajudicial killings sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.