Lalaki patay matapos manlaban umano sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila

dead manilaPatay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-the-spot ang suspect na si Christopher Castillo, na may kasong qualified carnapping at frustrated murder.

Ayon kay Sr. Insp. Christian Burgos ng PNP-Intelligence Group, mahigit limang taon na ring nagtatago ang suspect para takasan ang magkahiwalay na kaso nito sa Quezon City at Batangas.

Namataan umano nila si Castillo sa area ng Sampaloc na sakay ng isang kotse kasama ang kanyang misis at mga anak.

Binuntutan na ng mga pulis ang sasakyan nito ang nang makumpirma, pinababa ng sasakyan ang suspect at saka pinadapa.

Nang ihahain na ang warrant of arrest, bigla na lamang umanong dinampot ni Castillo ang kanyang menor-de-edad na anak saka biglang pinaputukan ang mga pulis.

Nagkaroon pa ng habulan saka humantong sa tapat ng isang convenience store at barangay hall ng brgy. 532 at dito na napatay ang suspect.

Nakuha sa kamay ng suspect ang isang baril, at nang inspeksyunin ang kotse nito, tumambad rin sa mga otoridad ang samu’t saring uri ng armas.

Ayon kay Sr. Insp. Burgos, matagal na nilang pinaghahanap si Castillo na itinuturing na ‘armed and dangerous.’

Read more...