Ang pagbabalik ni Salazar sa ERC ay mistulang isang tahasang paghahamon sa panawagan noon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniya at sa matataas na opisyal ng ERC na magbitiw na sa pwesto.
Matatandaang pinagre-resign na ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng ERC makaraang magpakamatay si ERC Director Franisco “Jun” Villa Jr. dahil umano sa pressure sa trabaho.
Sa suicide notes ni Villa, nabanggit nito ang pressure sa kaniya ng mga opisyal ng ERC na pirmahan ang mga umano’y maanomalyang kontrata sa ahensya.
Bagaman partikular na nabanggit ni Villa si Salazar bilang isa sa mga nais dayain ang isang proyekto para maging pabor ito sa isang Luis Morelos, iginiit naman ng ERC chair na hindi ito totoo at na wala siyang ginagawang masama.
Si Villa ay nagpakamatay noong November 9 sa pamamagitan ng pagbaril sa kaniyang sarili sa loob mismo ng kaniyang tahanan sa Parañaque City.