Tinaguriang drug queen na si Lovely Impal huli sa buy-bust operation

Lovely Impal
Inquirer file photo

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umanoy drug queen na si Lovely Impal.

Kinumpirma ni S/Supt Leony Roy Ga, PNP Iligan City Dir, na naaresto si Impal alas-dose ng tanghali kanina sa isinagawang buy-bust ops sa Quezon Ave. Brgy. Palao, Iligan City

Narecover mula kay Impal 13 plastic bag ng hinihinalang shabu nagkakahalaga ng P600,000 at P5,000 marked money

Nabawi rin kay Impal ang isang Toyota Fortuner na may conduction sticker YM 2128

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA 10 Regional Office si Impal

Unang lumutang ang pangalan ni Impal sa legislative hearings nang itinuro siya ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa bilang isa sa kanyang mga supplier ng droga.

Nagtungo pa si Impal sa Campo Crame para umano makipagtulungan sa PNP, pero pinayagan din makauwi matapos makapagbigay ng impormasyon sa PNP-AIDG.

Read more...