Suplay ng mais at palay hindi naapektuhan ng baha sa CDO ayon sa Agriculture Department
Kumpiyansa si Agriculture Secretary Manay Piñol na walang gaanong epekto sa produksyon ng palay at mais ang naranasang pagbaha sa Cagayan De Oro at iba pang bahagi ng Northern Mindanao.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Piñol na isolated lamang ang pagbaha sa Mindanao region.
Gayunman, naalarma ang kalihim dahil muling naulit ang mabilis at malalim na pagbaha sa Cagayan De Oro city sa ikalawang pagkakataon.
Ayon sa opisyal, maikukumpara ang naganap na flashflood sa naranasan ng Cagayan De Oro City nang tumama noon sa lungsod ang Bagyong Sendong.
Maari aniyang nakakalbo na ang kagubatan kung kaya nakararanas na ng pagbaha ang lugar.
Tiniyak rin ni Piñol na mananatiling kontrolado ang halaga ng mga agricultural products sa lugar sa kabilang ng pananalasa ng baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.