Kinilala ang mga suspek na sina Gomer Palenzuela ng Pinagbuhatan, Pasig City; John Ivan Breva ng Palanan Makati City at Joseph Ramirez Aviles, ng San Isidro Makati;
Ayon kay Sr. Supt. Marlon Madrid, chief of staff ng PNP-HPG, mga kasong carnapping, illegal possession of firearms, illegal possession of illegal drugs, traffic violation, at grave threats ang isasampa laban sa apat na suspek.
Ani Madrid, modus operandi ng grupo na bubundulin o sasagiin ang sasakyan na kanilang target at pagbaba ng may-ari ng sasakyan ay tututukan na siya ng baril at aagawin ang sasakyan.
Isang bagong-bagong Toyota Vios na kulay metallic gray na may conduction sticker na VG 9102 ang gamit ng mga suspek nang maaresto sila sa Pasig City.
Naunang sinagi ng mga ito ang bumper ng target nilang puting Toyota FJ Cruiser na may conduction sticker na VJ 8102 na pagmamay-ari ni James Michael Kua ng Acropolis Subd., sa Quezon City sa kanto ng C5 Road at Lanuza St, Ugong, Pasig City.
Kaagad na nakahingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng HPG sa lugar na nagresulta sa kanilang pagkaaresto.
Nakuha sa mga suspek ang gamit na Vios, isang Colt Caliber 45, isang Norinco 9MM, isang sachet ng shabu, bonnet, packaging tape, knapsack at Viagra.