Mga kandidata ng Miss Universe nasa Baguio City na para sa iba’t ibang aktibidad ngayong araw
Maagang nagdatingan na sa Baguio City ang mga kandidata ng Miss Universe 2016 para sa iba’t ibang aktibidad na kanilang dadaluhan ngayong araw.
Unang dumating sa Loakan Airport ang eroplano sakay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, dating Gov. Chavit Singson at mga kandidata mula Spain, Puerto Rico, Colombia, Peru at Australia.
Sumunod namang dumating ang eroplanong sinasakyan ng mga kandidata mula sa Canada, Finland, Barbados, Aruba, Slovenia, Korea, New Zealand, Kenya, South Aftica, Japan, Guam, Sweden, Norway at Virgin Island.
Ang mga residente at turista sa Baguio City, nag-abang sa palibot ng Baguio Country Club para saksihan ang mini-float parade ng mga kandidata.
Maliban sa parada, ang iba ang aktibidad na nakalatag para sa mga kandidata ay ang tree planting, strawberry picking, arts and culture activities at invitational golf tournament bago ang gala dinner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.