1 crew nawawala, 28 ang nailigtas sa lumubog na cargo Vessel sa Bohol

By Erwin Aguilon January 18, 2017 - 10:13 AM

Bohol_panglaoIsa ang nawawala habang 28 crew ang nailigtas matapos lubog ang isang cargo vessel malapit sa Sto. Niño dive site sa lalawigan ng Bohol.

Ayon sa Coast Guard District Eastern Visayas, lumubog ang MV Meridian Tres dakong alas 8:00 kagabi.

Naglalayag sa lugar ang barko ng makaranas ng malalakas na alon at hangin dahilan upang gumuho ang pagkakasalansan ng mga kargamento nito.

Nakahingi pa ng tulong ang mga tripulante ng barko sa coast guard sub-station Danao City bago tuluyang inabandona ang cargo vessel.

Kaagad nagsagawa ng search and rescue ang coast guard at nailigtas ang 28, pero bigong makita si Benjamen Orola.

Naglabas na rin ng notice to mariners ang coast guard upang tingan ng mga dumadaang barko ang bahagi ng dagat na kanilang dinadaan upang makatulong sa paghahanap sa nasabing tripulante.

 

 

TAGS: Bohol, cargo vessel, coast guard, Bohol, cargo vessel, coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.