WATCH: 1 na ang patay, 4 nakaligtas sa nasunog at lumubog na barko sa Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2017 - 08:49 AM

From Philippine Coast Guard
From Philippine Coast Guard

Isa na ang patay, apat ang nakaligtas at limang iba pa ang pinaghahanap na crew ng nasunog at lumubog na MV verginia 1 sa bisinidad ng Caballo Island sa Corregidor.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, nailigtas sa pagpapatuloy ng search and rescue operation ang apat na tripulante.

Matapos maisailalim sa check-up at makuhanan ng salaysay kaagad ding nai-tinurn over sa kumpanya ng barko ang mga nakaligtas na tripulante.

Sinabi ni Balilo na nagpalabas na rin sila ng notice to mariners upang tingan ng mga dumadaang barko ang bahagi ng dagat na kanilang dinadaan upang makatulong sa paghahanap sa limang nawawala.

Nasunog ang MV Verginia 1 malapit sa Caballo Island dakong ala 1:00 ng madaling-araw ng Martes, January 17 at tuluyang lumubog makalipas ang apatnapu’t limang minuto.

Sa video mula sa coast guard, kitang-kita ang makapal na usok mula sa barko at ang paglubog nito.

Galing ng Delpan, Binondo, Maynila ang barko at patungo sana sa Roxas, Palawan ng maganap ang insidente.

TAGS: Caballo Island, Corregidor., MV Verginia, philippine coast guard, Caballo Island, Corregidor., MV Verginia, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.