Biyahe ng MRT-3 maagang nagka-aberya
Maagang naabala ang mga pasahero ng Metro Rail Transit sa kasagsagan ng rush hour ngayong umaga.
Natagalang makasakay ang mga pasahero patungo ng south matapos na makataan ng problema ang isang tren na paalis n asana sa North Avenue station.
Ayon sa abiso ng MRT, alas 6:08 ng umaga, kinailangan nilang alisin sa mainline ang isang tren dahil mayroon itong technical problem.
Ang mga pasahero, idinaan sa twitter account ng MRT ang pagrereklamo at sinabing late na sila sa trabaho.
Dahil sa nasabing aberya, humaba din ang pila ng mga pasahero sa iba pang istasyon ng MRT, partikular sa southbound ng Cubao Station.
Ayon sa MRT, agad naman naibalik sa normal ang operasyon matapos maialis sa mainline ang nagkaproblemang tren.
Humingi din ng paumanhin ang MRT sa mga naabalang pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.