‘No window hours’ policy ng MMDA, balak pahabain hanggang Hunyo

By Kabie Aenlle January 18, 2017 - 04:37 AM

edsa trafficPinag-iisipan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-extend hanggang Hunyo pa ang “no window hours” policy na ipinaiiral ngayon sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, malaki ang naitulong ng naturang polisiya sa pagpapababa ng travel time sa Metro Manila mula nang ipatupad nila ito noong Nobyembre.

Partikular na nabatid ni Orbos ang pagbabagong ito noong kasagsagan ng holiday season sa kahabaan ng EDSA.

Sa ilalim kasi ng no window hour scheme, bawal lumabas sa EDSA at C-5 ang mga sasakyang naka-coding sa araw na iyon mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Kapag kasi may window hours, pinapayagan ang mga coding na sasakyan na dumaan sa mga nasabing kalsada mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Tuwing Lunes kasi ay ipinagbabawal sa kalsada ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2, habang 3 at 4 naman tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 naman tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.

Samantala, inanunsyo naman ni Orbos na magkakaroon ng zipperlane sa EDSA mula sa Main Avenue sa Cubao hanggang sa EDSA-Ortigas mula alas-9:00 hanggang alas-11:30 ng umaga.

Magsasagawa naman sila ng dry run para sa nasabing zipper lane sa Biyernes, para malaman kung talagang makakatulong itong makabawas sa sikip ng trapiko sa southbound lane ng nasabing bahagi ng EDSA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.