Alvarez, kumpyansang makakapasa ang Death Penalty bill sa Kamara
Malaki ang tiwala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maipapasa sa Kamara ang reimposition ng parusang kamatayan o Death Penalty bill.
Paalala nito, mayroong supermajority coalition na ang mayorya ng mga kasapi ang pabor na maibalik ang death penalty sa Pilipinas.
Kung mayroon man aniya na lilihis, nasa lima hanggang sampung mambabatas lamang ito.
Kinumpirma na rin ni Alvarez na sisimulan na ng Kapulungan sa susunod na linggo ang debate sa panukala.
Sinabi ng Speaker na posibleng tumagal ng tatlumpung araw ang debate sa Death Penalty bill sa plenaryo at maisasalang na sa botohan.
Kaugnay nito, nilinaw ni Alvarez na walang ipapataw na parusa laban sa mga Kongresistra na bobotong kontra sa Death Penalty bill.
Handa rin umano siya na makinig sa mga sentimyento ng mayorya ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan hinggil sa kontrobersyal na panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.