Trillanes at Zubiri, nagkaayos na matapos muntik na magsuntukan

By Jan Escosio January 18, 2017 - 04:30 AM

JAN SENATE 2Makalipas ang halos isang oras sa senate lounge, nagkaayos na rin sina Senators Migs Zubiri at Antonio Trillanes IV.

Sa pagbabalik ng sesyon nagmosyon si Senate Majoriry Leader Tito Sotto na alisin sa Senate records ang mga unparliamentary words na nabanggit nina Zubiri at Trillanes.

Ngunit mananatili naman ang pagtanggi ni Zubiri na bahagi siya ng sinasabing whitewash sa pag-iimbestiga sa immigration bribery scandal.

Kasunod nito ay nagsalita rin si Zubiri at aniya nagkaroon sila ng gentleman’s agreement ni Trillanes.

Nagbiro pa ito ukol sa masarap na meryenda na inihain habang nagpapaliwanagan sila ni Trillanes.

Humingi ito ng paumanhin sa pagpapalitan nila ng unparliamentary words na kanilang ginamit at aniya, susuportahan niya ang gagawing imbestigasyon ng komite ni Trillanes sa iskandalo ng suhulan sa Immigration Bureau.

Pagkatapos nito ay back to official business ang sesyon sa Senado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.