5 patay, 3 nawawala sa Zamboanga dahil sa flash flood

CDO flood1Hindi bababa sa limang tao na unang naitalang nawawala, ang natagpuang patay sa Zamboanga del Norte matapos ang matinding pagbabaha sa probinsya noong Lunes.

Kinilala ng hepe ng Western Mindanao police na si C/Supt. Billy Beltran ang mga nasawing biktima na sina Christine Etam, 7 taong gulang mula sa bayan ng Roxas; Jomar Rivera, 14-anyos mula sa Katipunan; Dominador Meraveles, 80-anyos, mula sa bayan ng Manukan at ang limang taong gulang na si Lean Denise Bayron pati na kaniyang tatlong taong gulang na kapatid na si Arann Zurc mula sa Roxas.

Samantala, naitala namang nawawala ang isang pitong taong gulang na batang lalaki sa Barangay Mate sa bayan ng Manukan kagabi.

Nawawala rin ang mga residente ng Roxas na sina Pepe Randes, 57 taong gulang at Jeffry, 35 taong gulang.

Ayon naman kay Kornessa Paras ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, may ilang mabababang lugar na nasa pitong bayan ang lubog pa rin ngayon sa baha.

Read more...