Hinihinalang bangkay ng Koreano na kinidnap ng mga pulis, natagpuan na sa Caloocan City

By Alvin Barcelona January 17, 2017 - 07:58 PM

Jee Ick-joo was allegedly abducted in October by a group that includes a policeman
Jee Ick-joo was allegedly abducted in October by a group that includes a policeman

Inihayag ngayon ng National Bureau of Investigation na natagpuan na nila ang hinihinalang bangkay ng Korean national na dinukot sa lalawigan ng Pampanga tatlong buwan na ang nakakaraan.

Ang pinapalagay na bangkay ng negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo ay sinasabing natagpuan sa isang funeral parlor sa Caloocan City.

Ang nasabing Koreano ay matatandaang dinukot diumano ng walo katao sa bahay nito sa Angeles City Pampanga noong October 18, 2016.

Kahapon ay boluntaryo nang sumuko sa NBI ang pulis na sangkot sa pagdukot sa nasabing Koreano na si SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Si Sta. Isabel ang itinuturo na pangunahing suspek sa pagdukot kay Jee Ick-Joo.

Bukod kay Sta. Isabel, sangkot din ang tatlo pang pulis sa pagdukot sa nasabing dayuhan.

Nabatid na umabot umano sa P5 milyon ang hinihinging ransom ng mga pulis kapalit ng pagpapalaya sa nasabing dayuhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.