Deklarasyon ng martial law “graphic presentation” lang ayon sa Malacañang
Drama lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang balak na pagdedeklara ng martial law.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, graphic presentation lamang ng pangulo ang pag ungkat sa batas militar.
Malinaw aniya na presidential power ng pangulo ang pagdedeklara ng martial law at nakasaad naman ito sa Saligang Batas.
Sinabi pa ni Panelo na hindi banta ang ginagawa ng pangulo na magdeklara ng martial law kundi warning para sa mga nagbabalak na sirain ang Pilipinas.
Nauna nang hinamon ng ilang mambabatas si Duterte na siya mismo ang magsalita kung totoo ba o biro ang mga pahayag nito sa pagdedeklara ng batas militar sa bansa.
Magugunitang ilan beses nang sinabi ng pangulo sa mga pahayag na pwede siyang magdeklara ng martial law bilang bahagi ng kanyang kampanya kontra sa iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.