Hero’s burial naghihintay sa napaslang ng Abu Sayyaf na AFP official
Aabot sa P2 Million lump sum ang matatanggap ng pamilya ni Army Captain Clinton Capio, ang sundalong napatay matapos makaengkwentro ang Abu Sayyaf Group sa Basilan noong Huwebes.
Kasabay nito, binigyan ng posthumous promotion ni Pangulong Rodrigo Duterte si Capio.
Mismong sa ibabaw ng kabaong ni Capio nilagdaan ng pangulo ang promosyon ng sundalo nang bumisita ito kagabi sa burol nito sa Libingan ng mga Bayano sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
Mula sa ranggong Captain, magiging Major na si Capio.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año, bukod sa P2 Million ay, makatatanggap din ng buwanangg pension ang may- bahay ni Capio. Magiging scholar din aniya ang anak ng napaslang na military official.
Saludo si Año sa tapang na Capio nang suungin nito ang bandidong grupo.
Ayon sa pinuno ng AFP, bibigyan ng heros burial at full military honor si Capio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.