50 anti-death penalty congressmen handa na sa debate

By Isa Avendaño-Umali January 17, 2017 - 03:39 PM

House of Representatives
Inquirer file photo

Aabot sa limampung Kongresista ang tinatayang sasalang sa interpelasyon ng Mababang Kapulungan sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan o Death Penalty bill.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ngayon pa lamang ay kaya nilang i-produce ang 50 interpellators na kukwestiyon sa sponsor ng Death Penalty bill sa oras na maisalang na ito sa plenaryo.

Ang mga naturang interpellators ay hindi lamang mula sa Magnificent 7, kundi maging sa Makabayon Bloc at mga miyembro ng Liberal Party sa supermajority na pawang mga haharang sa death penalty.

Sinabi ni Lagman na kung siya lamang ay kaya niyang paabutin ng isang linggo ang haba ng kanyang interpelasyon.

Hinamon naman ng mambabatas ang liderato ng Kamara na idaan sa conscience vote ang reimposition ng parusang bitay, upang mabigyang-laya ang mga ito sa pagboto.

Kumpiyansa rin si Lagman na kung conscience vote ang paiiralin ay mananalo ang mga anti-death penalty.

Sakali naman na party vote, pinapalagay pa rin ni Lagman na magwawagi ang mga kontra sa kontrobersyal na panukala pero sa ‘slim margin.’

TAGS: Alvarez, Death Penalty, duterte, lagman, Alvarez, Death Penalty, duterte, lagman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.